okay..
halos 2 buwan na tong problema ko sa connection ko so far eto ang napapansin ko:
~ pag nagpapa reset ako ng connection ko sa csr umaayos sya pero pag nag restart ako ng modem ko (papatayin tapos bubuksan ulet) bumabalik sya sa 180-220 kbps na download rate. walang problema sa upload rate
~ pag matagal ng naka off ang modem ko tapos pag binuksan na sya, pa iba iba ang rate na nakukuha ko. minsan nasa 80 kbps, minsan nasa 140, minsan 250. chambahan lang pag nakuha ko yung normal rate ko na 600-700 kbps.
~ minsan din lahat ng ilaw sa modem ko naka steady pag binubuksan ko ang modem ko. diba dapat yung power - lan - dsl lang ang bukas? minsan pati yung diag at yung act na ilaw bukas din so yung 5 ilaw sa modem ko ang naka steady. kelangan ko pa ulit tong i off tapos buksan ulit para umayos.
sa madaling sabi, pag nag papa reset ako ng connection ko sa csr or nagpapa port reset sa data center, bumabalik sa dati ang connection ko, pero pag pinatay ko na ang modem ko (pag pinapatay ko ang pc ko) tapos pag ginamit ko to ulit, bumababa ang dl rate ng connection ko at minsan pa hindi ko alam kung bakit pero nagiging xmas light yung modem ko dahil lahat ng ilaw neto naka steady o kaya nag bblink ng sabay sabay. kelangan ko pang i on-off ng ilang beses para umayos ilang beses na po akong nag pa port reset. at ilang beses na ring tumawag ang data center para ayusin yung connection ko. nung isang araw kaka port re block ko pa lang dapat wala ng aberya dahil nga port re block na ang ginawa pero so far pa ulit ulit lang ang nangyayari. hindi na nga nag rereply saken yung email support nakulitan na ata sa akin.
02/25/10 3:52 am
maayos yan kanina. pina reset ko ng mga 1:30 ng hapon sa csr. umaabot ang download rate ko ng mga 0.60 mbps. pero nung ni restart ko yung modem ko kaninang 3am ayan na naman ang nakuha ko
sa tingin ko hindi na ang data center ang may problema dahil pag nag papa reset ako ng connection ko umaayos ang download rate ko. naka pag pa port reblock na rin ako dati kaya alam ko na dapat umayos na ang download speed ko. pero ngayon pagkatapos ng port reblock parang walang nangyari eh. at sila na rin ang may sabi na wala ng downtime o congestion sa area ko.
kayo mga bossing ano sa tingin nyo? kelangan ko ng opinion nyo bago ako ulit tumawag sa csr